Muli / Huli

Nais kong maniwala
sa pag ibig
na nagtatagpong muli
pagdaan ng mahabang panahon
sa pag ibig 
na natulog
ngunit ginising sa pagkahimbing
ng tadhanang handa
na itong subukin muli

Pero ang paniniwala
sa isang bagay na di nakikita
at di pa nararanasan
ay isang pag-asang
puno ng takot
dahil ito ay walang kasiguraduhan
dahil maaari itong mangyari o di mangyari kailanman. 


11:19 pm 5/6/19

Comments