Dream Dream Dream !!
Kahapon, naghanap ako ng mga blog na pwedeng i.follow o basahin. Tapos nakita ko 'yung isang blog, binasa ko 'yung isang entry niya entitled "Panaginip 101". Tungkol 'yon sa napanaginipan ng blogger. Nakakatawa nga kasi ang high tech ng panaginip niya. Parang pinaghalong romance na may theme na "end of the world" with matching starships pa. Pero 'yung subject ng blog niya ay tungkol doon sa girl na napanaginipan daw niya. Dalawang beses siyang nanaginip,magkaibang scenes pero iisang girl lang ang kasama niya. Kilala 'ata ng blogger sa personal 'yung girl. Tapos ayun, kinilig daw siya. hehe. Anyway, kinukwento ko ito kasi may naalala ako sa entry niya.
Sa isang forum kung saan dati akong kasali, naging topic 'yung mga panaginip. Mahilig pa naman ako sa mga usaping panaginip. So, ganito 'yon, may isang member doon na itago na lang natin sa pangalang 'black hat'. Kwento niya, dati raw may isang girl siya na lagi niya raw napapanaginipan. Malinaw 'yung mukha ng girl sa panaginip niya pero hindi niya daw kilala sa personal. Basta lagi niya raw nakikita sa panaginip 'yung babae. Then, one day, noong orientation daw nila sa school, may napansin daw siyang babae. Hindi niya kilala pero parang nakita niya na. Ang weird pa, noong matapos 'yong orientation nila, nagkatinginan sila ng babae, nagkawayan pa. Pero yun nga eh, hindi sila magkakilala. Tapos ilang araw niya daw pilit inalala kung saan niya nakita 'yung babae. Saka niya naalala na 'yun pala 'yung babae sa panaginip niya ! Ngayon, magkakilala na talaga sila sa personal. Hindi ko na alam 'yung ibang detalye tungkol sa kanila pero nahihiwagahan talaga ako. Grabe no? Bago pa man sila magkakilala sa personal, nagkakilala na sila sa panaginip. Posible pala 'yon? Napaka-misteryo talaga ng buhay. :DD

Comments
Post a Comment