Untitled - Inspired by Director's Cut (Kamikaze)
Hindi ko alam kung kailan tayo huminto
Hindi naman nagunaw o natinag ang mundo
Basta isang umagang paggising ko
Pakiramdam ko ako’y biglang niloko...
Ng panahon na matagal ring naging kakampi
Ng tadhanang akala ko’y nasa’ting tabi
Mali siguro ang mga desisyong pinili
O baka wala talagang tama, ang lahat ay mali
Pero bago ‘yon alam ko
Minahal kita ng totoo
Bumitaw nga tayo
At huminto sa pagtakbo
Pero maaari bang muling lumingon
Baka sakaling may pagkakataon
Na ang panahon ay muling maging kakampi
At ang tadhana’y bumalik sa’ting tabi
Gawing tama ang mga desisyong napili
Mahalin ka pa rin, tama man o mali
Dahil alam ko
Mahal pa rin kita ng totoo
Hahawakan muli ang kamay mo
Magsimula tayong tumakbo
At muling lumingon
Sa ibinigay na pagkakataon.
written: (11:24 p.m… Dec. 17, 2012)This is one of my favorite tagalog poem. It still doesn't have a title though. It was inspired by the song "Director's Cut" (Kamikaze) after I listened to it repeatedly. It was supposed to be a song pero dahil di ako magaling magtono, naging tula na lang.
Comments
Post a Comment